
Last Updated On February 2025
Congratulations sa pagsisimula ng iyong negosyo! Mula 2011, ang Esquire Financing ay laging nagsusuporta at excited na makatrabaho ang mga business owners habang nagsisimula sila sa kanilang mga bagong venture. Bago mag-operate, napakahalaga na tiyakin mong ang iyong negosyo ay legal na nakarehistro at sumusunod sa mga regulasyon ng Pilipinas. Ang gabay na ito ay magbibigay sa iyo ng mga hakbang sa pagrerehistro ng iyong negosyo at iba pang mga kinakailangang dokumento upang matulungan ang iyong financial setup.
Pumili ng Tamang Business Structure
Ang unang hakbang ay magdesisyon kung anong business structure ang matched sa iyong negosyo – Sole Proprietorship, Corporation, Partnership, o Cooperative. Most of the time, ang mga maliliit na negosyo ay mas pinipili ang Sole Proprietorship dahil madali itong i-setup, ngunit may kasamang unlimited liability, na pwedeng may mga financial risks na kailangan mong paghandaan.
Magparehistro sa SEC o DTI at Secure Your Business Name
Depende sa iyong business structure, ang susunod na step ay ang pagpaparehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) o sa Department of Trade and Industry (DTI).
Kung ikaw ay isang Sole Proprietor, kailangan mong magparehistro sa DTI upang makuha ang Certificate of Business Name. Ito ay magsisiguro na ikaw lang ang may authority na gumamit ng iyong business name, na magbibigay ng proteksyon sa iyong brand, at negosyo laban sa mga legal issues.
Magparehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR)
Lahat ng negosyo sa Pilipinas ay kailangang magparehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Ang pagpaparehistro na ito ay para maging legal ang iyong tax operations, makapag-issue ng official receipts, at magbayad ng tamang buwis. Mahalaga rin na makuha mo ang iyong Tax Identification Number (TIN) sa yugtong ito upang maging compliant sa mga tax regulations.
Kumuha ng Barangay Clearance at Mayor's Permit
Bago ka makapag-operate, kailangan mong kumuha ng Barangay Clearance at Mayor’s Permit mula sa Local Government Unit (LGU) kung saan matatagpuan ang iyong negosyo. Ang mga permits na ito ay bahagi ng iyong legal na requirements at makakatulong sa pagbuo ng magandang relasyon sa iyong komunidad at lokal na gobyerno.
Sundin ang mga Benepisyo para sa mga Empleyado
Kung may mga empleyado ka, obligadong mag-register para sa mga benepisyo tulad ng Social Security System (SSS), PhilHealth, at Pag-IBIG Fund (HDMF). Ang mga benepisyong ito ay nagbibigay ng proteksyon sa iyong mga empleyado, tulad ng sickness benefits, maternity leave, retirement benefits, at housing loans.
Ang Pag-IBIG Fund naman ay nag-aalok ng calamity loans at short-term loans na makakatulong sa mga hindi inaasahang financial needs ng iyong mga empleyado.
Consider Financial Solutions for Business Growth
Kapag natapos mo na ang mga hakbang na ito, legal nang mag-operate ang iyong negosyo.
Ngunit habang lumalaki ang iyong negosyo, maaaring kailanganin mo ng additional funding para sa expansion, inventory, o mga improvements. Mahalaga ang pagkakaroon ng financial strategy upang matugunan ang mga pangangailangan ng iyong negosyo.
Ang Esquire Financing ay isang non-collateral, non-bank financing partner na nagbibigay ng mabilis na business loans sa mga negosyo sa Pilipinas. Sa flexible loan terms at mabilis na approval process, makakatulong kami sa iyong mga financial needs, tulad ng working capital, business expansion, at equipment financing.
Sa pagsunod sa mga hakbang na ito, matutulungan mong gawing compliant ang iyong negosyo sa mga local laws at regulations sa Pilipinas. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang aming blog article tungkol sa Pagrerehistro ng Negosyo sa Pilipinas dito.